SETTING SMART GOAL






Karamihan sa atin, walang goal o layunin.






Ito rin ang dahilan kung bakit walang nararating ang karamihan sa atin.




Sabi nga ng isang quote, "If you don't know where you are going, any road will get you there".






Ibig sabihin, kung hindi mo alam kung saan ka pupunta, kahit anong landas ang iyong tahakin, dun ka rin sa wala makakarating.


Pareho lang iyon sa buhay pinansyal natin.


Karamihan sa atin nagtatrabaho pero hindi alam kung para saan itong pinagtatrabahuan natin.


Kaya karamihan, nawawala din ang pinaghirapan.


Kaya minabuti nating alamin kung papaano ba magset ng goals.


SMART GOALS kung ito'y tawagin ng mga masters natin.


S  -   Specific
M -  Measurable
A  -  Achievable / Attainable
R  -  Realistic
T  -  Time-bound / Time-based


SPECIFIC - means we should know what we want.

Importanteng malaman natin kung ano talaga ang gusto nating bagay o kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay natin. 
Alamin kung ano talaga ang gusto. 
Halimbawa, instead na magsabi na gusto kong yumaman sabihin nating gusto kong magkaroon ng pera sa aking bank account, o gusto kong magkaroon ng bahay.


MEASURABLE - in terms of how much, how many, how long or how big. The amount of the thing or goal you want to achieve.

Halimbawa, instead na magsabi na gusto ko ng pera sa banko, sabihin kung magkano ang gusto mong amount, say, "gusto kong magkaroon ng isang milyong piso sa bank account ko". 
Or kung sa bahay na gusto mo, ilagay mo kung gaano kalaki in terms of area or in terms of value, say "I want to have a 2 storey 100 square meter house on a 200 square meter lot worth 2 million pesos".


ACHIEVABLE / ATTAINABLE - how we will achieve the goal.

Dapat iyong alam nating kaya nating gawin. We should not limit though on the goals that we want to achieve, ang importante ay malaman natin kung anong paraan ang gagawin natin para makuha ang specific goal.
Halimbawa, magsisisave ako every payday and my bonuses on my savings account.

REALISTIC - we should have the capability to do it. Dapat gawan ng option na kayang gawin.

Dapat alam natin na ang gagawin nating step ay kaya natin, hindi natin pwedeng sabihin na mag iipon ako ng 10 thousand pesos every month kung sumasahod lang tayo ng 9 thousand, unless meron ka nang ibang alam na paraan para makayanan ang 9 thousand pesos na savings goal mo without compromising other important matters.
Halimbawa, kumikita ka naman ng 25 thousand pesos at kung magtatabi ka ng 10 thousand ay hindi maaapektuhan ang iyong ibang gastusin, ilalagay mo sa goal mo na "Magtatabi ako sa bank account ko ng 10 thousand pesos".

TIME-BOUND / TIME-BASED -  with time limit or deadline.

Dapat may deadline kung kelan natin gustong maabot ang goal.
Sabi nga, "a goal without a deadline is just a dream" 
Hindi natin maaabot ang goal unless we set a deadline. Common sa atin na ipagpaliban muna until malapit na ang deadline. Paano pa kaya kung walang deadline. 
Halimbawa, magkakaroon ako ng 1 milyong piso sa bank account ko sa December 31, 2017. 
Or, magdadown ako sa bahay ko sa May 2016.



To summarize, our SMART GOAL should be written like this,


Example 1:


Magkakaroon ako ng ISANG MILYONG PISO sa bank account ko sa pamamagitan ng pagsave ng 10 thousand pesos kada payday at kalahati ng mga bonuses ko. Mabubuo ko ang isang milong piso sa January 2018.

Example 2:

Bibili ako ng 100 sq meter 2 storey house on a 200 sq meter lot worth 2 million pesos by saving 10 thousand pesos every payday and put up a 200 thousand down-payment on May 2017.


Isa pang importanteng bagay na dapat nating gawin ay ang isulat ito at pinakamaganda pa kung ito'y ipost natin sa lugar kung saan araw araw nating nakikita, To internalize it and to motivate you to look for ways to achieve that goal.



PS:  Are you on network marketing business pero wala kang resultang nakikita? Click these for a free training http://bit.ly/attract-your-prospects


PS2: Gusto mo bang malaman kung papaano ang Cooperative System at kung paano kumita dito? PM me, add me up on facebook and PM me here www.facebook.com






No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *