THE SACRIFICE YOU MAKE ON SPENDING YOUR HARD EARNED MONEY







Bakit nga ba kailangan mag-ipon?



Hindi ba pwedeng magkaron nalang ng malaking income agad?



Ang mga yumaman ba katulad ng mga tycoons ay nag-ipon para maging ganyan sila ngayon?










May nabasa akong post sa isang post sa Facebook page na sinasabing kaya daw hindi makaipon ang mga OFW's dahil magastos ang mga kapamilya at si OFW mismo.



Ito naman ang naging sagot ng isang Misis ng OFW (can't find the exact link, but it was a post of a link from an interview with a government agency, kaya isusulat ko nalang dito base sa narerecall ko).




"wala na silang pakialam kung saan namin ginagastos ang pera dahil pinagpaguran yun ng asawa ko para mapasaya nya ang naiwang pamilya nya dito sa Pinas"


I have nothing against sa pagbibigay ng saya sa pamilya lalo na sa mga batang naiwan ng isang magulang, Nanay man o Tatay. Ang hindi lang ako sang-ayon ay ang impulsive buying natin.




Eh pano naman kung hindi OFW? Paano ako makakaipon kung kulang pa ang kinikita ko?



Dalawa lang ang pwedeng gawin, either mamaluktot sa kumot, o maghanap ng paraan para humaba ang kumot. Bakit naman napunta sa kumot? Ang gulo ko no? Hehe



Ibig ko lang sabihin, pwede kang magbawas ng konti sa ginagastos mo o maghanap ng ibang paraan para kumita.



Dahil kahit local employee ka lang, may karapatan ka ring yumaman.



Alam mo rin ba na ang pag-iipon mo ng pera ay pwedeng makapagpaextend ng stay mo kasama ang pamilya mo?



Paano?



Ganito lang yan kasimple. Magkano ba ang kailangan mong gastos sa loob ng isang buwan? O isang araw?



Kung ang pamilya mo ay nangangailangan ng 10 libo sa isang buwan (basic needs), bawat ginagastos mong 10 libo na napupunta sa mga hindi kailangan o yung tinatawag nilang wants, ay kapalit yun ng isang buwan na dapat kasama mo ang pamilya mo.



Ngayon, kung nagbabalak kang bumili ng worth 30 Thousand na gadget kahit meron ka naman pang games at pang tawag sa inyo, ibig sabihin nyan ay 3 buwan mong isasakripisyo ang pangungulila mo sa pamilya mo.



O kung ikaw naman ay isang misis o mister ng isang OFW at sinasabi mong, mis na mis ko na si Darling, Sweetheart, Honeypie, Sweetiepie, Pizzapie, Applepie, o kung anuman tinapie ang tawagan nyo ng iyong pinaypie, ano naman ang ginagawa mo para mapaiksi ang pagkakalayo nyu o mapahaba ang pagsasama nyo? Meron ba?



Kasi kung gumagastos ka ng sobra sobra at sinasabi mong hindi ka makaipon, ibig sabihin lang nyan, hindi mo talagang mis ang asawa mo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, dahil namimis mo lang siguro ang mga panahong magkasuyo kayo buong gabi, masayang magkatabi, magkayakap sa buong magdamag (sandali bakit napakanta ako, buti sana kung nasa tono), pero pagdating sa gastusan time hindi mo na sya mis. Ang padala nya ang namimis mo.



Meron naman iba, kaya tinitiis kahit malayo sa ay dahil kapag umuwi ay masisira ang image. Huwaaat? Inalala pa ang tingin ng ibang tao, samantalang ang mga anak nya ay gusto syang makauwi na. Bumili ng bagong sasakyan, hulugan para mas madaling bayaran (daw) pero it translates to having to extend his stint abroad ng 3 taon. Para daw hindi sila mukhang kawawa ng pamilya nya at makantyawan pa ng mga barkada.



Hindi nga ba, noong una palang nung paalis tayo ay sabi natin para sa mga anak natin kaya nagtrabaho tayo sa abrod? Bakit biglang dahil sa mga kaibigan kaya gustong iangat ang sosyal status? Di ba parang pinagbigyan mo na ang mga kaibigan kumpara sa mga anak mo?



Wat da hick is gowing on hir?



Meron pang isang scenario noong nakaraang linggo lang. Sabi ng isang kaibigan, sana yumaman na ako. Holdapin ko kaya tong banko bukas, bulalas nyang pabiro. Pero after a second lang may nakitang tindahan ng sapatos at biglang bumunot ng wallet at nilabas ang card. Bumili worth 6k na sapatos dahil kaunaunahan syang magkakaron ng ganung design at sa ganung brand. Nakalimutan ko lang kung anong brand yun, di ko kasi kilala. Hindi daw pangmasa ang brand na yun. Pang ano kaya yun? Baka pang-arina. At take nowt, pang 8 nyang sapatos na ginagamit yun. Di ba napaWOW ka?



Tandaan lang natin, kung gusto natin milyunaryo, madali lang naman.



Bigyan ko kayo ng ilang tip. Hindi galing sa akin ang mga tip na ito obviously, kasi hindi pa ako milyunaryo, papunta palang (malapit na isang dipa nalang, hehe).



Number 1. Mag-asawa ng milyunaryo. (instant yun)


Number 2. Mag-artista o singer. (ito medyo mahirap hirap, kailangan maganda o gwapo ka di kaya magaling kang kumanta kaso wala ako nun)


Number 3. Mag-ipon at matutong mag-invest at gawing utusan ang perang naipon at ito ang pagtrabahuin natin.



Sana may napulot kayong aral sa kalikutan ng isip ko ngayon.



Medyo matagal tagal din na hindi natin naupdate ito dahil naging busy-busyhan tayo for the past few weeks.



Kung gusto mo ng ibang tips sa pagyaman, pasyal pasyal ka lang sa ibang bahagi ng blog na ito at makikita mo ang ibang tips mula sa aking panulat at meron din iba blog ng mga eksperto jan sa gilid at pasyalan mo din sila. 



Good luck, next topic natin, hindi ko pa alam. Haha



Share mo ito kaibigan, click the share button sa baba at maraming salamat sa pagtulong sa ibang tao.








No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *