ASSETS VS LIABILITIES









ANO NGA BA ANG PAGKAKAIBA NG ASSET AT LIABILITY?



photocredit: shutterstock.com


Noong hindi ko pa nalalaman ang totoong kaibahan ng asset at liability, ang akala ko ang lahat ng mga bagay ay pwede nang tawagin na asset.


Pero noong inilabas ni Robert Kiyosaki ang kanyang librong Rich Dad Poor Dad ay naiba ang pananaw ko (at marami pang ibang tao) dito. 


Sabi niya "ASSETS PUTS MONEY IN YOUR POCKET LIABILITIES GETS MONEY OUT OF YOUR POCKET."

Sabi naman ni Usher Morgan sa libro nyang "FROM RATS TO RICHES", "ASSETS FEED YOU, LIABILITIES EAT YOU".





Sa simpleng salita ganito lang yun. Ang ASSET ay magpapasok ng PERA sa bulsa mo. Ang LIABILITY ay maglalabas ng PERA sa bulsa mo. Sa ASSET ikaw ang kumikita, sa LIABILITY ikaw ang pinagkakakitaan. Ang ASSET nagpapasarap ng buhay at ang LIABILITY ay nagpapahirap.


Kaya pag-usapan at usisain natin maige ang kaibahan ng dalawa.
Baka hanggang ngayon para sa iyo ang asset ay katulad ng bahay, kotse, appliances at kahit gadget ay kino-consider mong asset.


Pero nagkakamali ka dyan kaibigan kung ang mga iyan ay kumakain ng pera mo, o nagpapabigat lang yan sa iyo.


Halimbawa, ang bahay mo, pwedeng maging asset iyan o pwede din maging liability.


Paano? Let's look at two scenarios.


Paanong naging liability ang isang bahay?


Sabi ni ROBERT KIYOSAKI, "A HOUSE IS NOT AN ASSET". Bakit???




photo credit: google search

Kung ang pamilya mo ang nakatira dito, malamang sa malamang, kumakain ng income mo ang bahay mo. Kailangan mo itong imaintain para hindi maluma agad, kelangan mong pinturahan na siguradong mangangailangan ng pera mo. So, literally, since wala ka naman kinikita mula sa bahay mo, magmumula sa income mo ang pangrepair mo dito. At habang tumatagal naluluma ang bahay mo ay bumababa din ang value nito.


Paanong naman naging asset ang isang bahay? Kung pinaparentahan mo ito. Magbibigay ito ng income sa bulsa mo.


Isang halimbawa pa ng isang liability na malakas kumain ng income natin ay ang cellphone (o anumang electronic gadget). Para sa ken ito ang isang pinakamalaking kumakain sa income natin, na ang akala natin ay isa itong asset. Paanong kumakain sya ng income natin? Una, kuryente sa pagchacharge, load na kelangan natin para makatawag at makapagtext. Kung smartphone ang gamit natin, kelangan natin ng internet (which requires ng mas mahal na load for internet connection), kelangan din ng mas malakas na kuryente dahil mas madaling maglobat. Kelangan pa natin ng iba't ibang celfon case para magstand out ang celfon natin sa ibang tao.





Pero alam mo bang pwede din naman maging asset ang iyong celfon. Kung ito ay nagagamit mo sa iyong negosyo. Kung ginagamit mo ito sa iyong trabaho. Kung may bisnis ka na pwedeng gamit si facebook, twitter, yahoo o kung ano pang social media yan, then, ang celfon mo ay magiging asset. Kung ang celfon o gadget mo ay isang paraan para ikaw ay kumita, then asset na ang magiging tawag dun.


Ang kotse pwede rin maging asset at pwede rin (at ito ang mostly ang totoong nagiging status ng kotse) maging liability.






Pagkalabas palang ng kotse mo sa Casa bibili ka na ng gasolina na kukuha agad ng pera sa bulsa mo. In 3 months, may mga maintenance ka ng gagawin sa kotse mo which will again take out money out of your pocket. Magpapalinis ka every month which will eat up money again out of you.



Ito pa ang nalaman ko lately, paglabas na paglabas ng kotse mo sa Casa, bababa na ang value ng brand new na kotse (o pwede din gadget/cellphone/computer/etc) ng halos 20 percent. Ibig sabihin pala lugi ka na agad pagkabili mo palang. Liability mo na agad sya.


Pero nagiging asset ang kotse mo kung halimbawa ginawa mo itong Taxi. O ginamit mong service ng mga bata sa school. Kung ikaw ay isang salesman na mas magiging effective sa trabaho kung may kotse ka.


Bakit mahalagang malaman natin ang mga assets at liabilities? Dahil gusto nating yumaman, at ang totoong mayaman ay ang madami ang assets (things that put money in your pocket), hindi yun mukhang mayaman na madami ang liabilities (gets money out of your pocket).


Importante din nating malaman ito para makita natin kung ang mga nabili ba natin dati ay mga asset o mga liabilities. Kung ang mga binibili ba natin ay nagpapasarap ng buhay natin o nagpapahirap pa. Para kung sakaling mga liabilities ang mga na-acquire natin dati, may chance na tayong baguhin ang style ng paggastos natin na instead of acquiring things that eat our income up, bibili na tayo ng mga assets na magbibigay ng income.


Ngayon bilang assignment, kung gusto mo talagang yumaman, ilista mo ang totoo mong assets at liabilities. Alamin mo kung san ka nagkamali sa paggastos ng kaperahan mo at dito natin umpisahan itama ang ating gastusin para mapasaayos ang takbo ng ating finances.


Kung gusto mong makatulong sa kaibigan, kakilala, kaaway, kapamilya at sa lahat ng KA, (kaloka naman), i-SHARE mo lang sa FACEBOOK. CLICK mo ang SHARE button sa baba.






No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *