MUTUAL FUND INVESTING (one time investing strategy)


Sa dami ng nagtatanong kung paano ba talaga ang pag-iinvest sa Stock Market, Mutual Fund at UITF, naisip kong mas mabuti siguro kung ipapakita natin ng malinaw gamit ang one-time investment strategy.



Ang iba kasi ang inaakala nila ay kapag naglagay ka ng pera sa mga investment instruments na ito ay kikita ka na agad.





Ngayon ang sample natin na ipapakita ay ibabase ko sa graph na nakikita dito. Gagamit din tayo ng actual data ng NAVPS.



Ito ay kinuha ko sa paborito kong mutual fund, ang philequityfund, inc.






photocredit: philequity.net



Kung makikita niyo sa graph, noong kalagitnaan ng 2007 ay nasa halos P 15 ang NAVPS o price per share at bumaba ito ng halos 7 pesos bawat share noong 2008.




Kung nag one time big time invest ka noong May 17, 2007, baka magulat ka, isang taon palang, malaki na ang ibinaba ng pera mo.



Tingnan natin ang figures, (ang mga data na ito ay actual na kinuha ko sa site ng philequity) for instructional purposes at para mas madaling maintindihan. Ginawan ko rin ng investment figures para mas maliwanag. Tandaan ito'y halimbawa lamang.



Total money invested               =          P 100,000.00
NAVPS for May 17, 2007            =             13.2426 
Number of shares mong nabili (disregard muna natin ang fees para mas madali)               =          100,000  /  13.2426                                                 =    7,551 shares



Noong 2008, isang taon pagkatapos mong mag-initial investment, nagkaroon ng crisis at ito ang nangyari:



NAVPS for May 21, 2008              =         11.1022
Price Value ng investment mo    =        11.1022  x   7551   
                                               =   83,832




Lugi ka na ng halos 17,000. Makakaya mo ba yan?



NAVPS for February 4, 2009         =            7.8161
Price Value ng investment mo      =         7.8161   x   7551   
                                                  =  59,019


More than 40,000 pesos na ang binaba ng pera mo. Baka magalit ka na sa akin nyan kung sa akin ka nagpatulong mag-invest sa mutual fund.



Pero dapat hindi ka mag-alala, huwag mong gayahin ang Uncle ko na natakot at kinuha nya ang pera nya na talo ng almost 50%. 



Ipapakita ko sa iyo kung bakit.



Kung nag-invest ka naman noong February 4, 2009 ng P100,000.00



NAVPS for February 4, 2009        =                7.8161
Number of shares mong nabili       =           100,000    /     7.8161     =   12,794 shares



Kunin naman natin ang NAVPS 
as of this writing (Oct. 8, 2014)    =   36.7748
Price Value ng investment mo      =           12,794  x  36.7748
                                                       =                 470,496 pesos



Sana mainspire kayo sa figures while being cautious because of the fluctuations of the market.



The same works for stock market at UITF.



Iyong pagbagsak din ng market ang dahilan why financial planners are encouraging you to buy insurance, HMO at magsave for emergency.



If you want more personalized guidance, just email me at arwin_img@yahoo.com.



O kung nasa Korea kayo at gusto nyo ng seminar, ilibre nyu lang ang pamasahe ko, pupuntahan ko kayo sa araw ng linggo, basta libre lang po ako.



Good luck at happy investing.


Share niyo lalo sa mga interesado makaipon at sa mga interesadong malaman kung papano ba mag-invest sa Mutual Fund, UITF at stock market.

No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *