INVESTING USING PESO COST AVERAGING



Ano ang Peso Cost Averaging?

"Peso Cost Averaging is a strategy that long-term investors use to invest in the stock market. It involves investing a fixed amount of money at regular intervals over a long period of time (10- 20 years).You do this regardless of the situation in the market, government, or the rest of the world." - See more at: http://pesosandsense.com/peso-cost-averaging-explained/#sthash.Qre4Vm6N.dpuf






Sa madaling salita, ito ay isang paraan kung saan ang isang investor, sa stock market man, mutual fund, UITF o alinmang investment instrument kung saan naghuhulog sya ng pareparehong amount regularly, ang iba monthly ito ginagawa, ang iba naman, quarterly, semi-annually, annually. Depende na ito sa diskarte ng investor.



Halimbawa, naghuhulog ka ng P1,000.00 monthly. Parang ganito:





Total investment mo sa isang taon ay P12,000.00


Ngayon lagyan natin ng share price para mas madaling maintindihan at lagyan din natin ng iba't-ibang scenario.






Dito sa market na ito, maganda ang takbo ng ekonomiya dito, kaya pataas ng pataas ang presyo ng shares.


Sa total investment mo na P12,000.00, sa December nagkakahalaga na ito ng P20,758.40. Maganda ang return di ba? D mo makukuha sa banko yan.


Tingnan din natin kung ano ang epekto ng pababa ang presyo sa market.




Kung makikita niyo, sa August, pumalo ng 1 bawat share, by this time ang naiinvest mo na ay P7,000.00 di pa kasama yun sa buwan na yun. Kung hindi ka marunong sa larangan ng pag-iinvest, malamang matakot ka na dahil ang P7,000.00 mo ay nagkakahalaga nalang ng P1,692.86 (total shares until July is 1,692.86 X P1/share).


Hindi ba grabe ang kaba mo na diyan? Lalo na siguro kung madaming "0" sa dulo nyan.


Kung 7 milyon ang nainvest mo, naging 1.6 milyon nalang, naku baka himatayin ka na niyan.


Di kaya, kung asawa mo ang nag-invest nyan, baka pugutan mo na sya ng kanyang kaligayahan (pati tuloy ikaw mawawalan).



Pero since nakaattend ka na ng mga Financial Literacy Seminar at maganda pa naman ang kita sa trabaho mo, tinuloy tuloy mo lang.


Hanggang pagdating ng December, medyo nakabawi na ang ekonomiya.


Sa total investment mo na P12,000.00 nakabili ka ng total na 3,869.05 shares, multiply natin sa December share price na P7.00, ang cash value ng investment mo ay P27,083.33


Mas malaki pa ang naging return niya kesa sa tuloy tuloy na bullish market. Masaya ka na ulit ngayon. Di ba napangiti ka pa?



Ito naman ang reaksiyon na madalas kong marinig pagkatapos ng presentation ko, aantayin ko pala na bumagsak ang market para magsimula sa pag-invest. 


Sagot ko naman, hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng market correction, baka pag nagkacorrection wala na ang pera mong pang-invest. Baka naibili mo na ng Iphone, nawala tuloy ang ipon. Ikaw tuloy ang nagkaroon ng correction. 


Kaya hanggang may extrang pera ka, iinvest mo na.


Pasasaan ba at tataas din ang value ng investment mo.


Sana mas naliwanagan kayo sa paliwanag sa investment strategy na ito.


Join the Truly Rich Club para maguide ka sa investment decisions mo sa stock market. Click this link http://trulyrichclub.com/


Malapit ka ba sa Busan? Magkakaroon ng seminar dito sa Busan, South Korea sa November 30, 2014, Sunday 9:30 am onwards.
Click the link for more info: http://tinyurl.com/busan-seminar


Share niyo ito sa iba para mas madami naman pumunta sa site ko at matuto sa larangan ng pag-iipon na walang talo.


Good luck at happy investing.







No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *