ASSETS VS LIABILITIES









ANO NGA BA ANG PAGKAKAIBA NG ASSET AT LIABILITY?



photocredit: shutterstock.com


Noong hindi ko pa nalalaman ang totoong kaibahan ng asset at liability, ang akala ko ang lahat ng mga bagay ay pwede nang tawagin na asset.


Pero noong inilabas ni Robert Kiyosaki ang kanyang librong Rich Dad Poor Dad ay naiba ang pananaw ko (at marami pang ibang tao) dito. 


Sabi niya "ASSETS PUTS MONEY IN YOUR POCKET LIABILITIES GETS MONEY OUT OF YOUR POCKET."

Sabi naman ni Usher Morgan sa libro nyang "FROM RATS TO RICHES", "ASSETS FEED YOU, LIABILITIES EAT YOU".

FIRST STEP on HOW TO MAKE MONEY










Napakahirap kumita ng pera di ba?



Meron kayang mas madaling paraan?




THE SACRIFICE YOU MAKE ON SPENDING YOUR HARD EARNED MONEY







Bakit nga ba kailangan mag-ipon?



Hindi ba pwedeng magkaron nalang ng malaking income agad?



Ang mga yumaman ba katulad ng mga tycoons ay nag-ipon para maging ganyan sila ngayon?



300 THOUSAND PESOS = 4 MILLION PESOS? HOW?






POSIBLE BANG MAGING 4 MILYON ANG 300 TAWSAN?


Mali ata ang calculator ko.


Pero noong tiningnan ko ulit ang data sa website ng investment fund na ito. Tama. Tamang tama. Dahil lahat na ng calculator na magagamit ko ginamit ko na at pare-pareho ang sagot.

CAN YOU DO LIKE WHAT HE DID?






"WHAT IS THE ULTIMATE PURPOSE OF LIFE? I'TS TO GIVE" - Narayanan Krishnan





Tunghayan ang kwento ng isang taong mas pinili ang magsilbi sa mga taong hindi niya kaano ano ng walang hinihintay na kapalit.


HOW GREED WORKS ON OURSELVES







Ano nga ba ang greed? Sa tagalog ay pagiging swapang.


Ang greed daw ang source ng paghihirap ng isang tao. Ito ang sabi ni Mahatma Gandhi ng India noong sinabi nyang

"The world  has enough for everyone's need, but not enough for everyone's greed".


Ito ang dahilan kung bakit lagi tayong kulang. Hindi tuloy natin maapreciate ang kung ano ang meron tayo.


(VIDEO) PAANO BA MAGWORK ANG UITF




Ano nga ba ang UITF?

Paano ba ito magwork?

Panoorin ang video ng Pisobilities para maintindihan.

HOW TO DIFFERENTIATE NEEDS vs WANTS (LOSER VS WINNER)





Wondering bakit naghihirap ka pa din? Bakit hindi ka pa din makaipon? Baka naman priority mo ang wants than needs. You are accumulating wants that depreciate in value rather than buying and investing on things/funds that grow.

A GOOD WAY TO HELP THE TYPHOON VICTIMS

Mag iisang taon na mula noong dumaan ang isang pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ng buong mundo ngunit marami pa rin ang walang bahay na masisilungan.

Marami ang mga volunteer groups na tumutulong sa mga nasalanta hanggang ngayon.

Panoorin ang video na ito tungkol sa isang volunteer work sa Leyte, ng grupong;

"ALL HANDS VOLUNTEERS: TOOLS FOR TIME
PROJECT LEYTE - THE PHILIPPINES"

Nangangailangan sila ng tulong dahil kulang ang kanilang kagamitan.

Para  sa karagdagang impormasyon panoorin ang video na ito.

MONEY MANIFESTO: A NEW BOOK WORTH THE WAIT, OR IS IT?






Isa sa mga sinusundan kong speaker, financial literacy advocate at rockstar idol na si Randell Tiongson ay maglalabas na naman ng bagong libro.


WHAT IS A MUTUAL FUND



Kakatapos ko lang magpresent sa isang grupo at karamihan sa kanila hindi nila alam ang mutual fund.


Kung isa ka sa hindi nakakaalam kung ano ito, panoorin ang video mula sa PESOS and SENSE.

INVESTING USING PESO COST AVERAGING



Ano ang Peso Cost Averaging?

"Peso Cost Averaging is a strategy that long-term investors use to invest in the stock market. It involves investing a fixed amount of money at regular intervals over a long period of time (10- 20 years).You do this regardless of the situation in the market, government, or the rest of the world." - See more at: http://pesosandsense.com/peso-cost-averaging-explained/#sthash.Qre4Vm6N.dpuf



MUTUAL FUND INVESTING (one time investing strategy)


Sa dami ng nagtatanong kung paano ba talaga ang pag-iinvest sa Stock Market, Mutual Fund at UITF, naisip kong mas mabuti siguro kung ipapakita natin ng malinaw gamit ang one-time investment strategy.



Ang iba kasi ang inaakala nila ay kapag naglagay ka ng pera sa mga investment instruments na ito ay kikita ka na agad.



Wise Cash Episode 1 - Basic Personal Finance with Ramir Libre and JB Noynay

Ito ang Wise Cash Episode 1.

Ang pinakaimportante para makapagsimulang mag-invest. Ang pinaka FOUNDATION.


Napakaimportante ang mensahe ng kaunaunahang podcast na ito, kaya kung nagbabalak kang mag-invest panoorin mo to.


Kung nakapag-invest na, panoorin para malaman kung tama ba ang strategy mo sa iyong finances.

Secrets for an OFW family to be successful

Nakita ko ang video na ito na pinost ng isa nating kaibigan sa Facebook.

I-summarize muna natin base dun sa tips na binigay dun sa video.

IS IT POSSIBLE TO GET RICH AT SUCH A YOUNG AGE?



Dati nung nasa edad akong 12, sabi ko pagdating ko ng 21 taon ay magiging mayaman na ako. Kung magkano ang magiging yaman ko? Iyon ang hindi ko nasagot at marahil unang dahilan kung bakit di ko sya naabot.


Ngayong medyo hindi na ako bata, naisip ko kaya ko pa kayang maabot ang mga pangarap ko? Hanggang sa naalala ko ang videong ito. Lalo na ang huling kwento na tungkol sa isang batang nangarap maiahon ang pamilya mula sa kahirapan.

PRAYER of ABUNDANCE

Today, I recieve all God’s love for me
Today, I open myself to the unbounded, limitless, overflowing abundance of God’s Universe.
Today, I open myself to your Blessings, healing and miracles.
Today, I open myself to God’s Word so that I become more like Jesus Everyday.


Today, I proclaim that I’m God’s Beloved, I’m God’s Servant, I’m God’s powerful champion, And because I am blessed, I will bless the world, In Jesus Name, Amen.

AM I READY TO INVEST IN THE STOCK MARKET?




Ang post na ito ay parang pareho lang naman sa nauna kong post. Pero dahil na rin sa request ng isang kaibigan na mas ipaliwanag ko sa kanya ng maige ang nauna kong post at sa tanong na bakit hindi pa ako nagbukas ng account para sa direct stock market investments. (I called my investment on mutual fund as indirect stock market investment and I called direct stock market investment dun sa investments thru brokers).



Ang tanong na ito na kung handa na ba akong mag-invest sa stock market ay tanong sa akin ng isang kaibigang OFW, kung bakit daw mas marami naman na akong alam sa stock market pero hindi pa ako nagsisimula. Nauna pa siyang magbukas ng account sa Citisec Online kesa sa akin. Nagbukas muna siya ng account sa TRULY RICH CLUB na nakuha niya din daw sa pagtanong tanong sa aken. Ito ang nagbukas sa kanyang isipan para pumasok sa larangan ng investment. Masaya naman ako sa kanya kahit papano ang katiting ko kaalaman ay nakatulong mapakagbukas ng isipan ng isang OFW na gastador na matransform unti unti to investor.




10 RULES OF SUCCESS



Image courtesy of nokhoog_buchachon / FreeDigitalPhotos.net


Nakita ko ang post na ito sa isang facebook page . Nagandahan ako sa post na ito kaya naisip ko, I have to post this to my blog para madali ko siyang mareview. 



Besides, I think madami ang kelangan makabasa nito especially yung mga nangangarap din maging successful.






1. Get and stay out of your comfort zone.


“Believe that not much happens of any significance when we’re in our comfort zone. I hear people say, ‘But I’m concerned about security.’ My response to that is simple: ‘Security is for cadavers.’ ”

BAKIT IMPORTANTE ANG INSURANCE




photo credit: www.freedigitalphotos.net


HE IS CERTAINLY A WEALTHY KID with A GOLDEN HEART



photo credit: www.shutterstock.com
Ito ay kwento ng isang bata na 10 taong gulang.



Noong siya ay nasa edad 6 na taon, inaya sya ng kanyang tita na kumain sa jollibee.  

MUTUAL FUND INVESTING



Bakit kaya paborito nating mga pinoy ang pumasok agad sa investment, kahit di pa nakakapag establish ng tamang foundation sa kanilang financial life?


Pero nakakahanga din kahit papano na nagbago na din ang pananaw ng karamihan sa atin.


Madami na ang gustong pumasok sa larangan ng investments.


Hindi nalang puro telenobela sa ABS-CBN, The LEGAL WIFE daw sabi pa ng isang kasamahan ko sa trabaho.


Ang iba naman, gusto makabili agad ng condo, para daw meron magdadala sa kanila ng food na parang Deniece Cornejo, Vhong Navarro at Cedric Lee lang ang epek.

BAKIT MAHIRAP MAG-IPON?




Image courtesy of FreeDigitalPhotos.net
Bakit nga ba nahihirapan tayong mag ipon?

Isa sa mga dahilan ay ang HABITS natin pagdating sa pera. Simula noong halos naipanganak palang tayo ay naituro na sa atin ito. 

Siguro ang tanong mo, paano mo nasabi yun? Eto ang paliwanag dyan.

SHAQ SPENT HIS FIRST MILLION IN 30 MINUTES.... AND CHANGED HIS WAYS?

Naging very popular itong post na ito recently, at malaki ang naitulong nitong post na ito sa aking pag-aara ukol sa paghawak ng pera.

I even searched for Shaq's lifestyle when he was new to NBA.

Napaisip tuloy ako, kung si Shaq who earned millions of dollars needed to study, why not me?

I believe he believed in the saying that 

"IF YOU THINK EDUCATION IS EXPENSIVE, TRY IGNORANCE". 

Or should I say, he paid for his ignorance when he spent his first millions in 3 minutes.

So here is the post I am talking to:

WOW!! I THINK THIS VIDEO TRAINING IS AWESOME!!!



From a pinoy internet marketing trainer I follow was a link to a free ebook download last week. Then I was told to watch a video of a preview on a video about reaching your dreams and visualization that will be launched today May 12, 2014. You can download the free ebook by clicking here.




THE KUROT PRINCIPLE, ANO NGA BA ITO?

While having a discussion with a friend about saving and budgeting, naalala namin ang kurot principle na kumalat sa Facebook at bigla pareho namin hinanap ang source. Napakaganda ng principle na ito, both of us agreed.
Doon naisip namin, why not share the whole article on this blog so more will get the great idea of the it. If you are in the Philippines, you should have a copy of the book.
Ano nga ba itong kurot principle na ito? Me kukurutin ba? At bakit naisama ang kurot kurot na ito sa pinansyal na aspeto?
Malamang nabasa mo na ito, kung hindi pa basahin nyo at malaki ang aral na mapupulot nyo. Sa mga nakabasa na, basahin nyo ulit to remind you of the principles of the wealthy intsiks sa pinas.

CASHFLOW QUADRANT FREE EBOOK DOWNLOAD

FREE EBOOK DOWNLOAD

Finding Your Path

UITF OR MUTUAL FUND

Ito ang naging tanong sa akin ng isang kaibigan, kani-kanina lang.

Ano nga ba ang mas maganda? Hindi ko masyadong napag aralan ang UITF pero sa pagkakaalam ko ang halos parehas lang ang UITF's at mutual fund base sa kanila investment strategies. Kaya hinanap ko sa internet ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga financial instruments na ito.


Kaya pag-aaralan natin kung ano ang kaibahan ng uitf at mutual fund.

SIX STEPS TO FINANCIAL INDEPENDENCE

According to experts, the journey to financial independence begins with SIX simple steps.

If we follow this steps, we will surely be able to be Financially Independent and leave a legacy.

I have a friend who followed this steps and he retired from his job before he reach the age of 35. How is that as a retirement age for you?

So here are the 6 steps.

RICH DAD POOR DAD FREE E-BOOK

click here to download the e-book
Isa sa mga koleksyon ko itong libro na ito. Pero nasa bahay siya sa Pinas at mahirap dalhin.

Noong nakita ko ang sa facebook page ni Robert Kiyosaki na may free download ng e-book na ito agad agad ko siyang naidownload sa cellphone ko pati na sa laptop.


Marami kang matututunan sa librong ito, tulad ng difference in a poor and a rich person's mindset.


Kung interesado kang mabago ang mindset mo to a rich person's, download mo na ang librong ito. I-click lang ang caption ng picture para makadownload ka.


YOU BETTER HURRY BECAUSE IT'S JUST A LIMITED OFFER!!!




4 MAJOR REASONS WHY WE ARE STILL POOR

Hindi lingid sa atin na maraming pamilya ngayon ang nahihirapang pagkasyahin ang kinikita. Kung dati ang ama lang ang nagtatrabaho para matustusan ang gastusin ng pamilya kasama ang sampung anak.

WHAT DO I NEED TO DO TO ACCUMULATE RICHES (An email message from Brian Tracy)

I have been receiving e-mails from Brian Tracy for more than a year now but this one strike me the most. Dati naman kasi hindi ko masyadong iniintindi ang mga messages niya. Most of it, hindi ko pa nga nababasa. Pero nung mabasa ko itong message niya sa akin ba ito, aba'y parang tinamaan ako.

Here is his email,

THE FORMULA OF THE RICH and WEALTHY AND WHY I LIKE IT

I have been working for more than 10 years now, but my dreams of becoming a millionaire seems to have been avoiding me until I started applying the secret formula my mentor have taught me. It's a simple formula that I already knew long time ago or so I thought.

Three months after college graduation, I landed a job in an international company.

HOW TO ACHIEVE FINANCIAL INDEPENDENCE

credit to http://www.balancedbusinesswomen.com/financial-independence
Tony Robbins defined Financial Independence as this; where you don’t have to work and everything is covered.


Ibig palang sabihin, if your investments have the capacity to earn for your needs then you have achieved financial independence.


When I was financially illiterate, ang tingin ko para maabot ko ang ganitong status sa buhay, napaka-imposible. But when I started what my mentors have taught me, hindi naman pala ganun kahirap.


I have been into a lot of businesses and almost all of them failed. Only the latest businesses are starting to grow.


Those businesses failed, hindi dahil hindi ko alam ang ginagawa ko, but mainly because I did not know how to manage a business.


The businesses I put up were merely focused on making money when I did not even know how to manage my finances. The difference with the business i have now, is I focus on how other people will make money from it and it helps me grow as a person as well.

MY 2014 GOALS

Fitzhugh Dodson said "GOALS that are not WRITTEN DOWN are just WISHES".

Ralph Waldo Emerson also said that "We should aim above the mark to hit the mark."

So this is it, I have written it down in my GOAL BOOK and want to share some.

I still don't have any idea how all of this can be accomplished but this are my dreams for the year 2014.

  • House and Lot on a 100 sq. meters lot with at least 2 bedrooms, this is crazy because at the start of the year I had this halfway accomplished. We just loaned out a house on a more than 100 sq. meters lot and with 3 bedrooms. I've written this down on my Novena to God's Love app from Bro. Bo Sanchez. God really works in mysterious ways.

HOW I SAVED FOR MY EMERGENCY FUND

I did not have an ample amount of emergency fund (EF) even when I was already teaching people they have to save more for that. I have no discipline when it comes to money. Kapag alam kong may pera ako kahit alam kong emergency fund dapat yun, nakakahanap talaga ako ng pagkakagastusan. Kaya kinailangan kong maghanap ng paraan para madisiplina ko ang sarili ko.

Since I opened a new bank account when I transferred to my current job. The old account may be used as my emergency fund savings account. Right after I receive my salary, I just have to go to an atm machine and easily transfer a certain amount to my EF account, it's the beauty of ATM's here. I also have to put my atm card out of my wallet since I have a tendency to swipe the said card when my regular account run dry. Itinago ko siya sa cabinet ko para makasiguro akong hindi ko talaga siya magagastos sa kung saan saan.

Sa ganitong paraan nakaipon ako ng more than 3 months of my family's monthly needs. Through this strategy, I also was able to invest more since I knew that I have money if a sudden need will knock.

With just three months of discipline I was able to save three months of my family's need back home. Luckily my income here is a lot more than my needs that it wasn't really hard to save more.

Then a real emergency happened. Super typhoon came and

HOW TO HAVE A SURE WIN IN STOCK MARKET OR MUTUAL FUND INVESTING

photo credit: seminarphilippines.com
We have heard so many success stories about investing in stock market. But why does it seem difficult for us to get the success they have?

When I read posts in Facebook groups on stock market investing, especially from newbies, I also myself wonder why do we have so many stock market investors, old and new but still few reach the pinnacle of success.


Then I tried to search for answers.


Here are my thoughts on why only few got the success almost everybody wanted.


When people started investing, most did not have fixed goals for investing. Most people invested because they want to become rich. How rich do they want to be? Most don't have answers. So when the time they saw that their money grows or had profits, they withdrew the money, some all, some left something so they will still have money that may take profit from. Some think, as well as I had thought so before, that once I get my initial investment and spent it then it will be okay if I lost all my fund as I have already enjoyed my initial investment. The growing of funds stops and eventually the excitement and we get demotivated.


Other investors would tremble in fear when the value of his

STRATEGIES OF BUILDING WEALTH







Handa ka na ba talagang maging investor?


Paano ba masasabing ang isang tao ay handa ng maging investor?


Kailangan ba talagang paghandaan ang pag-iinvest?


Baka naman pwede nang mag-invest nalang agad.


Ito ang madalas kong maitanong sa sarili ko nung unang nagbalak akong pumasok ng investing. money market man o properties.


INVESTMENT VEHICLES

Marami ang gustong matutong mag invest. Iba iba ang dahilan. Meron gustong mag invest dahil gusto nilang magkaroon ng mas malaking net worth. Ito ang klase ng mga investors na tinatawag kong long term thinkers.

Meron dahil iniisip nila na kapag nag invest mas madami silang perang pwedeng gastusin agad. Ito ang mga short term thinkers. Ito ang mga taong mostly ay masakit ang ulo, mga taong di makuntento. At sana kung may makakabasa nitong ganito mag isip ay mabago ang pananaw.

Sa mga naunang post puro pag save at ang paggawa ng money machines ang naisulat. Meron nagtanong kung paano kung wala pang maisip na money making machine? Paano mas mapapabilis lumaki ang ipon?

Sa Financial Market, meron mga investment vehicles na dapat natin matutunan kung papaano tumakbo. At ang importante dapat din natin na matutunan kung para saan ang mga INVESTMENT VEHICLES na ito.

Isa sa mga natutunan ko sa isang company na nagbibigay ng FREE financial education, "IF YOU WANT TO HAVE SAVINGS, TIE IT TO A GOAL", yun ang pagkaalala ko sa sinabi nung speaker. Marami kasi ang gustong mag save dahil sa gusto lang nilang mag save. Meron din naman gustong mag save para may panggastos sila sa binyag, kasal, birthday o anumang party. Meron para mabili ang gustong appliances, kotse, laruan. Most are short-terms. Meron naman nagsisave para pang retire.

At ang kadalasang nangyayari, sa aking pananaw, ang paggamit ng INVESTMENT VEHICLES na ito ay madalas hindi tama.

Ang pagsisave ay parang pagpunta mo lang daw yan sa isang lugar. Kung ikaw ay nasa Manila at gusto mong magpunta sa naYOLANDA, maraming paraan para makarating doon.

Una, pwede kang maglakad - lowest-risk, lowest-return. Taon siguro ang aabutin mo bago ka makarating. Low risk, kasi pag natalisod ka kahit gasgas baka wala.

Pangalawa, pwede kang magbike - lower-risk, lower-return. Dito baka buwan nalang ang aabutin para ka makarating. Mas mataas ng konti ang risk kasi pag sumemplang ka baka may gasgas ka na.

Pangatlo, pwede kang magbus - medium - risk, medium-return. Dito 24-30 hours nasa Leyte ka na. Ang delikado kapag nabangga pwede ka ng maospital.

Pang-apat, pwede kang mag eroplano - high-risk, high return. Ito ang pinakamabilis, in an hour, nasa kabilang ibayo na. Pinakadelikado kasi pagbumagsak ang eroplano, malamang goodbye na.

Ganito din ang pag-iinvest. Kaya sinasabi ng mga experts na dapat nakatie sa goals ang investments.

Para sa short-term goals, ito ang mga kailangan mo ang pera mo sa susunod na buwan hanggang susunod na taon. Kagaya ng tuition ng anak mo, panggastos sakaling may magkasakit sa pamilya. Dito papasok ang mga iniipon mo sa Banko. Sa savings account mo na ang ibinibigay sa ngayon ng mga banko natin ay wala ng isang porsiyento sa isang taon.

Here is a sample of the current (as of writing/January 2014) interest rates in the Philippines.

photo is a screenshot from http://philippines.deposits.org/
Imagine, kung ang retirement money mo dito mo iinvest. Sabihin nating nasa 2-3% lang ang inflation for the rest of your savings plan timeline. Laki na ng lugi mo. Baka ang iniipon mong pangsalba mo sa pagretire mo ay isang linggo lang na panggastos baka kulangin pa.

That's why experts recommend, this type of savings account will be used for your short term goals. Money needed for tomorrow up to one year. Emergency fund for at least 3 months of your monthly needs, schools tuition fees, pang date sa gf if single, sa misis if me asawa. Pang malling ng pamilya.

Kung sa next year o pangalawang taon mo pa kailangan ang pera, you can invest it in fixed income funds like, time deposits, bond funds etc. Kaya kung may gusto kang bilhin in 1 to 2 years dito mo sya ilagay kasi sure ka kahit papaano na di ito babagsak ng value. Other fixed investments may have less interest than inflation rate but there is no risk that you may loss value of your money when you need it.



Paano naman kung five years or so ang plano mo? Like a house and lot downpayment especially if you're still single. Dito papasok ang high yield investments mo. Like pooled funds (mutual funds, VUL, UITF etc.) at stocks investments. Subukan ko naman syang ipaliwanag ng mas detalyado kung papaano sya nagwowork base sa aking kaalaman.

THE RAT CYCLE





grabbed from arunrocks.com/strongest-people-are-the-ones-with-passion



























Madami sa atin ang kumikita naman ng malaki pero bakit di makaipon?




Ang sinasabi naman ng iba, kapag nataasan ang sahod saka na mag iipon.

CREATING MONEY MACHINES

Ano ba ang sinasabi nilang money machines?

photo grabbed from betternetworker.com

Makina ba ito na gumagawa ng pera?

Katulad ba ito ng ginagamit ng mga central banks ng bawat bansa?

The thought of making money machines came into my mind even before I finished college. Fifteen years after, meron man pero di pa rin katulad ng nasa isip ko noon. Gusto kong magkaroon ng steady flow of income na pwede makasuporta kahit fifty per cent lang ng pangangailangan ko at ng magiging pamilya ko. Hindi ko pa siya naisakakatuparan pero sa alam kong makakayanan ko. It is one of my goals for this year. To create more money machines. Five year goal is to be one hundred percent financially free.

Paano ko naman magagawa ito?

Sa ngayon may apat na sana akong money making machines na naantala ang pagbibigay sa aking pamilya ng dagdag na kita dahil kay Yolanda.

ang aking munting bukirin

Una ay ang lupa, kumikita ako dito ng 5 hanggang pitong kaban ng palay kada taon. Maliit pero kung iisipin na di ka naman na nagpagod, ay maganda ganda na din. Kung ang ani dito ay gagamitin ng pamilya ko, aabot na din ito ng 3 buwan naming kunsumo.


ang pangalawa kong traysikel

Meron din akong isang traysikel, na kumikita ng anim-na-libong piso kada buwan simula nung mabayaran ko ng buo ang motor hanggang magka-bagyong-yolanda. At simula naman sa kita ng unang traysikel nakapundar ako ng panibago na kikita na dapat simula nung Desyembre kung hindi bumagyo. Ito'y magbibigay na sana ng karagdagang tatlong-libong piso buwan buwan. Kahit ito'y mga nakatengga sa ngayon ay sa di kalaunan ay maibibyahe at kikita din ito.

buti nalang magaling syang umilag kaya me pag asa pang makabyahe

Kapag gumana ang mga money making machines ko na ito ay ang tantiya kong kikitain buwan buwan ay nasa siyam na libo. Not bad, considering na di naman kalakihan ang naipundar ko dito.

Meron pa akong isang pwesto sa palengke na ang nakapwesto ay ang pinsan kong me ukay ukay. Hindi ko pa ito napagkakakitaan sa ngayon dahil hindi ko naman sya pinaupahan. Pero ang isiping nakatulong ako sa pangkabuhayan ng pinsan ko sa ngayon ay sapat na. Dahil darating din naman ang araw na pagkakakitaan ko sya. Pwede ako ang magtinda o di kaya paupahan ko sa ibang tao.

Isang magandang naidudulot ng mga money making machines ay para maishare natin sa iba ang blessing natin. Hindi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pera, kung hindi ang makapagbigay sa kanila ng pangkabuhayan. Sa mga traysikel ko, ang dalawang drayber. Sa munting bukirin ko, ang kamag anak naming nagsasaka doon.



Nasa goal ko ngayong taon ang makapagpundar pa ng dalawang traysikel at hopefully isang foreclosed house and lot na pwede ko mapaupahan kapag naipaayos.

Middle of the year until the end of they year ang plan na makuha ko ito. Kailangan lang ng focus at drive para maisakatuparan to.

Kapag nakuha ko itong mga goals ko ngayon, magbibigay ito ng at least Fifteen to Twenty Thousand Pesos of passive income. Very good income na, di ba?

Nakalimutan kong banggitin, meron din akong money market funds na in the near future will have greater value. Oh di ba?

If these cycle will go on until 2015, my GOAL of being Financially independent will be accomplished sooner than later.

Hope this will also guide those who are willing to be financially free in the near future.

Tara na, sabay tayong mangarap mga kaibigan.. hehe

PROTECTING MY MONEY

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo makaipon ay ang kakulangan natin sa pagdepensa natin sa pera natin. Minsan nakakaipon na tayo ng pera ng biglang nagastos nalang natin. Isang pinakamatindi nating kalaban pagdating sa pag iipon ay ang sarili natin. Nandiyan din ang mga kaibigan at kamag anak na kapag naamoy na may pera tayo, siguradong may manghihingi, manghihiram, mangungutang.

So, paano ko gagawin ito? Noong nasa Pilipinas ako at nagtatrabaho sa isang Japanese firm (electronic company), naisip kong magbukas ng savings account. Passbook savings ang kinuha ko para sigurado akong hindi ko sya mawiwithdraw ng ganun ganun lang. So ang disiplina nalang na kailangan kong gawin ay ang siguruhin kong makakapaghulog ako kada sahod.

Paano ko naman ito ginawa? Hindi ko alam noong una na pwede palang mag automatic savings galing sa nakuha mong sahod. Ang ginawa ko, since ang kapitbahay ko ay may bisnis at araw araw naman syang naghuhulog sa banko at swerte ko na dun din sa bankong napagbuksan ko. Kada pagkakatanggap ko ng sahod, pinapadala ko na ang pera ko at passbook sa kanya para maihulog niya sa account ko.

Sumasahod ako noon ng P4,000.00 every kinsena at ang para sa savings ko ay P500.00. Kapag may bonus, may extra P500.00 ako na inihuhulog. In 1 year may P6,500.00 ako. Hindi rin nakafix na P500.00 lang ang hinulog ko nung pangalawang taon kaya in 2 years may P20,000.00 na ako mahigit.


Sa ganitong paraan, kahit mamasyal ako sa mall, kahit may sale hindi ako makakagastos ng hindi ko kailangan dahil nasa banko ang pera ko. Wala din mangungutang sa akin o manghihingi kasi wala naman silang nakikitang pera sa akin. Kaya lumago ito ng unti unti.

Noong una parang hesitant akong mag umpisa, kasi iniisip ko kung magkakasya ba ang matitira. Ito ang marahil karamihan sa atin ang iniisip. Lalo iyong iba na kahit gaano kalaki ang kinikita ay kinukulang pa rin. Pero naisip kong kailangan kong makaipon kaya kailangan kong umpisahan. Sa awa ng diyos naging maganda din naman ang resulta. Noong mga panahong iyon ang P20,000.00 ay parang isandaan libo na siguro sa ngayon kaya para sa isang empleyadong tulad ko maganda ganda na din.

Pero nagkaroon ng problema, noong may P20,000.00 na ako mahigit. Inisip ko na dapat kong mapalago ito ng mabilis. Dito pumasok sa isip kong magbuy and sell. Bibili ako ng kung ano anong pwede kong maibenta ng may konting tubo. Kukuha ako ng konti tapos ibebenta ko. Dito pumasok ang problema, sa mga nabibili ko, hindi ko lahat naibibenta, ang nangyayari nakatambak lang sa bahay at para madispose minsan pinamimigay ko nalang sa mga kamag anak at kaibigan. Ang masama pa minsan nagagastos ko ang pera since hawak ko siya.

Isang malaking leksiyon iyon para sa akin. Kaya naisip kong malaki pa ang kailangan kong pag aralan pagdating sa retailing at sa pagdidisiplina sa sarili ko kapag abot kamay ko ang pera.

Ang next strategy ko ay ituloy ang nag work na strategy. Bumalik sa pag open ng account na hindi ko dali daling makukuha ang pera. Maghanap ng ibang paraan ng pag iipon kung saan mas madaling makakuha ng mataas na interes ang ipon ko. Mag isip ng ibang business wherein hindi ko kailangan mag retail. Para sa pagdating ng panahon kahit di ako magtrabaho mayroon mga makinaryang magtatrabaho para magkaincome. Ito ang tinatawag nilang money machines.


Sa susunod, ang paggawa ng mga money machines ang ating tatalakayin dahil ito ang isa sa mga plano ko ngayong 2014. Ang magkaroon ng at least 3 money machines. Kahit di kalakihan ang kitain, basta ipunin lang, malaking tulong ang maihahatid nito.

Wish me luck on this journey.

Contact ME

Name

Email *

Message *